Si Ateng mabait ang naghahanap nang trabaho sa brother

by Rainier on May 6, 2006

ReynaElena,

hi..i read your message here in forum at ang bait mo naman lahat tinutulongan mo pwede mo ba ako bigyan ng email mo kase ang brother ko gusto ko sya pupunta ng USA and i have some question for you maybe you can also help me.. he’s architect and i need more information about USA ..thanks..email address …[email protected]
thank you again…..

From: rhayray [email protected]
To: [email protected]
Date: May 6, 2006 12:34 AM
Subject: need help

hi..are you reyna elena using this name at the forum i send you a message at the forum but i try this email maybe this is you direct email maybe you can help me about my brother i want him to go in USA and find a job his architect and very diffecult find a job at gosto ko sya papunta ng USA and i
need help to find him aparment at kong magkano ang gasto monthly dyan sa USA wala talaga akong kilala dyan naisip ko na baka pwede mo ako matulongan baka makaya ko na masupotahan sya sa 2 to3 month na mga gasto nya until he find a job..gosto ko talaga maka alis sya soon as possible kase makali ang nagasto ko sa collage nya and this time his time to help me.so pls ..if you recieve my message and willing you to help me im waiting your reply..thank you.. i know you are good person because you help everyone..i hope you help me because all my family umaasa sa kanya.. namaka abroad at makatrabaho..

arlyn

=======

Arlyn,

OO na! Good person na ako! Tama na. Hmmpt! Teka nga muna. Naku! Lagot ka sa Reyna!!!

Una, pinag-aral mo na’t I’m sure binigyan nang allowance, at nasaan naman tong Arkitektong to’t ikaw pa ang naghahanap nang tarbaho sa kanya aber? Baka naman na-spoil mo na nang todo tong Arkitektong to ano? Naghahanap ba sya nang trabaho? O baka naman puro “Ate pengeng pera?!” at ang mabait naman na Ate eh give naman nang give?

Ok, wag ka nang magalit sa Reyna. Drama ko lang yon sa yo. Questions: 

  1. Pasado na ba sa board tong brother mo? 
  2. Fluent ba sya mag-english?
  3. Where is he now and what is he doing?
  4. Gusto nya bang pumunta nang US or ikaw lang ang me gusto para makabalik ang ginasto mo? (Makinig ka Ate, hindi ka babayaran nyan! HA HA HA. Ikaw kasi, ambait bait mo!)
  5. Meron ba syan visa? permit? or kung ano man ang requirements sa embassy?

Dun sa una mong sulat, you said, you want more information about the USA. There are many, many, gazillian data and information about the USA on the internet. Google mo lang sya Ate and you’ll find them. But I’ll give you one for a start:

http://www.cia.gov/cia/publications/factbook/geos/us.html

Eto pa:

http://www.infoplease.com/states.html

At dito naman ako naka-tira:

http://www.gophila.com/

Kung maghahanap ka naman nang mga apartments in the US, eto naman ang magandang site to look at:

http://www.apartments.com/partner/Index.aspx?who=google&p=google&partner=google&page=home&state=xx

But you know, apartments rates vary. For example, dito sa Philadelphia, pag nasa Center City ka, the more it is expensive. If you go outside of the city, you’d find Studio’s costing around $600/month kasama na utilities (tubig, ilaw, gas) except telepono. One bedroom apartments ay umaabot nang lagpas sa $1,000 per month. Move in expense minsan ang hinihingi is 3 months down. Then, dahil nga sa 711 este 911, meron na ditong background check at meron ding credit check. Kung walang credit history ang brother mo, references I think will do. Yong iba, basta me datung ka, kesehodang background check na yan. Tutal, pag di ka nakabayad, ambilis namang palayasin dito eh. He He He

2 to 3 months support?

Ate, naguguluhan ako sayo! Ibig ba nimong sabihon, go muna nang USA si brother and then ga-look nang job? 2 to 3 months Ate, kulang yan! Unless na super-talino at dalwang dosenang Summa Cum Laude and honors nang brother mo. Mahirap maghanap nang trabaho ngayon dito Ate! Tsaka ang competition, matindi! Kaya may I ask ko to you kung licensed Architect ang brother nimo.

Kung ako ikaw Ate, ganito ang strategy na gagawin ko.

  • Find muna job Brother, secure the job and come here.
  • Kung wa job at sabi mo nga wa ka kakilala dito, gawin mong 1 year and support na gagawin mo dahil kulang ang 2 to 3 months na yan.

Finally, Ate naman… pinarurusahan mo naman ako! Hindo po ako employment agency or recruiter pero I can guide you to where you can look.

Ask your brother to try looking for a job at:

  1. Monster.com
  2. Careerbuilder.com

Or send letters and resume’s to known builders and architectural companies and see if they hire foreign professionals as I’m sure they do. You’re just gonna have to take chances. I’m sure there is a job waiting for your brother. Wag kang mawalan nang pag-asa. Darating at darating yan but you have to ask your brother na sulatan ako kung hindi siguradong babatuhi ko sya nitong korona kong ina-amag na!

Pero hayaan mo, I’ll continue to look around and post whatever architectural jobs I find.

O dito na lang. Tigilan ang sobrang allowance sa brother, Ate, ok?