Jocelyn Dulnuan, a 27-year-old OFW

by reyna12 on October 9, 2007

I was talking with my first cousin in Mississauga just now. Lumipat na daw ako nang Toronto dahil mas mataas na ang palit nang pera nila. But of course, I blog about the fact na pumatas na yong $1CN at yung $1US. Sabi ko, bukas na dahil gabi na dito ngayon. Nauwi ang usapan namin sa big news in Mississauga. Me OFW pala na namatay sa Mississauga at di man lang daw tinutulungan nang Philippine Consulate kaya sila sila na lang daw ang tumutulong na maka-ipon nang pera. Sabi nang pinsan ko, two months pa lang daw tong OFW sa employer nya at mga isa o dalawang taon pa lang sa Canada.

Yes, Matilda – ang mga padala nang OFW na to na tiga-Ifugao eh parte nang $12 billion US Dollars that the Philippine Economy is enjoying. So, siguro naman wala nang problema na ibalik sya sa Ifugao para naman she could rest in peace near her family, ano po?

Kaya?! Well, meron lang pong kooooonttting problema, Matilda.

Sya po eh si Jocelyn Dulnuan,  27-year-old Filipina na nagtratrabaho as a housekeeper in Mississauga City. Sa Canada, po yan. She was found dead on October 1. Ang sabi sa mga news reports eh, biktima po sya nang pumalpak na  robbery sa $15 million mansion at Doulton Place. Meron po syang naiwang 4-year old child sa Ifugao. Can you imagine? Pati pala mga tiga-Ifugao eh OFW na.

Apparently, nag-pledge po ang Philippine Consulate in Canada na magbigay nang $5,000 to the slain OFW so that her body could be repatriated back to the Philippines – pero medyo natatagalan. Siguro hindi mabasag basag ang alkansya, o baka naman di pa tapos magbilang? Eto pa, the Overseas Workers Welfare Administration said Dulnuan was considered an undocumented worker, having stopped paying her dues since moving to Canada from Hong Kong. Eh baka naman kinulang na nang pera si Jocelyn, I mean, you know, lumipat nang trabaho, who knows kung ano pa ang ginasto nang tao.

Yan po ang buhay nang isang OFW. Mabuti na lamang, masyadong mababait ang mga Filipinos sa Toronto. They’re raising funds sa kasalukuyan habang ang Consulate naman eh no sound pa raw hanggang ngayon. Kung kayo po eh me kakilala sa Consulate dyan sa Toronto, awa naman po! pakitawagan or email. Baka, busy po yong mga tiga-Consulate naten sa trabaho, hane?

$12 billion US Dollars. Tsk! Tsk! Tsk!

Nag-pramis na po ako senyo na hindi na ako mag-mumura nang p[xxx] [xxx]a.

Goodbye na lang at rest in peace, Jocelyn.

Bloggers for Jocelyn:

RELATED NEWS:

{ 21 comments… read them below or add one }

pusa October 9, 2007 at 1:24 am

omg kawawa naman sya and too young to die. wala talaga kwenta ang mga “consulate” kuno na yan! hay naku ako din ayaw kong mag p[xxx] [xxx]a!

Reply

SinaGlaya October 9, 2007 at 1:52 am

Reyna ang lutong non ha, hehe, puso mo : ), haay buhay OFW, buti na lang may mga dumadamay pa din sa mga kapwa natin OFW, eh yon eh walang iba kundi kapwa OFW.

Reply

joyjoy October 9, 2007 at 1:57 am

pwede bang ako na lang ang magmura para sayo mamita?

Reply

chuva October 9, 2007 at 2:39 am

hay naku, marami akong masamang expiryens dyan sa philippine consulate natin. parang sa pilipinas nagtratrabaho at ayaw gumalaw. ako rin ayoko ng nagmumura ng p[xxx] [xxx]a eh. umaksyon naman sila paminsan minsan man lang.

Reply

Ambo October 9, 2007 at 4:55 am

Yan ang problema dito sa atin, tinatawag na mga bagong bayani ang mga ofw dahil kasi malaking pakinabang ng gobyerno sa kanila. Pero kapag gipitan na ang pinag-uusapan, hayan nagbibingi-bingihan na ang mga buwayang nakaupo sa gintong nakaw na trono! Mga PI talaga!

Reply

reynz October 9, 2007 at 11:43 am

@chuva,

shock ako! hahah! di naman nagmumura ah! akin lang ang tronong un! LOL!!!

@ambo,

gchat ko si melai and pangalawang incident na pala to as far as the Consulate is concerned!!! ayoko na talagang mag-mura nang CUTE NANG NANAY NILA!!!

@pusa,

IKAW DIN?! LOL!!!

@joy,

Ikaw na lang nga!

@sinaglaya,

Naku, kung marining mo yong isang OFW dito tungkol dyan, giyera ang dating! :-)

Reply

nina October 9, 2007 at 1:29 pm

May bago ba naman sa embassy at mga consulate ng Pilipinas? yong officemate ko, nagkaroon ng kaso ang pamangkin nya dito so siyempre nanghingi sila ng tulong sa embassy/ POLO (Phil Overseas Labor office) para ma-follow-up yong kaso. One time, nagpunta sya sa POLO to get an update. Sabi daw sa kanya, “O, ano ng balita? Okay na ba pamangkin mo?” Kaloka :)

Reply

kengkay October 9, 2007 at 7:04 pm

ay, ako di marunong magmura nag p[xxx] [xx]a ha! hmmp…anong ginagawa nila sa embassy? nagtong-its siguro hmp ulit. ako dito gusto ko mag pa renew ng passport. nag send ako email. mga dalawang linggo na nakaraan. ayun, hanggang ngayon di pa rin daw ma send yung email, trying to send pa rin daw. sempre tawag din ako, mga tatlong consulate ang tinatawagan ko; until 1 pm lang daw work nila sabi nung robot sa telepono. sempre tumatawag ako alas dose ng tanghali ano; hmm, baka maaga lang sila nag lunch. pero, mga bwakanang…

Reply

chuvaness October 9, 2007 at 7:13 pm

ay reynz, ako, di ko talaga keri ang mag-mura…harharhar…eto lang ang kaya ko

ayuf sila!

Reply

cheh October 9, 2007 at 7:56 pm

Wawa naman! sana ma aksyonan nila to ka agad!Ang alam ko madalas nakakatulong sa mga ganitong problema eh yung Filipino Community,hindi ang embassy! La kasi silang budget! kaya siguro tamimi sila?

Reply

chuva October 9, 2007 at 8:54 pm

chuvaness, huwag mo ng pigilin pa tulan ng pagpigil ko sa sarili ko. ako rin, di ako marunong magmura *paubo* ( ‘tyahin ng ina nila!)ehem. kaya tahimik na lang ako.

Reply

SinaGlaya October 9, 2007 at 8:58 pm

TANG na naman, ganito na lang ba parati, ala bang Kool AID hehe : )

Reply

SinaGlaya October 9, 2007 at 9:01 pm

Iniisip ko lang eh, hindi kaya ma demanda ang tahanan ni Reyna sa mga FAWL words natin hehehe, baka may pulis,saka teka anong klaseng pulis ba gumagala sa ganitong kaso hehe.

[Reynz: Maraming salamat Sinag: Inedit ko yong mga words at naglagay na po ako nang apologies at clarification sa comments din.]

Reply

empress maruja October 9, 2007 at 10:21 pm

Busy-busyhan naman ang Consulate. Baka busy maglaro ng Solitaire sa PC. che…

Seriously, naawa talaga kets sa family ni Jocelyn. Sana mahuli ang salarin (at sa subrang yaman naman ng amo, malamang may security cam sila devah?).

Reply

reynz October 9, 2007 at 10:33 pm

@SinaGlaya,

ALAM NYO mga kapatid – kasalanan nang luka-lukang lola nyo. Kasalanan ko tong lahat. Di ko napigilan ang sarili ko mapa-cute nang nanay nila.

Mali nga po naman. Baka naman sabihin eh pinag-iinitan naten lahat dun samantalang siguro nga talaga me problema lang. Pers time po to ditong i-i-edit ko yong pinost ko at mga CUTE ninyo. Masakit pala kainin ang sariling bunganga. Bwisit.

ETO ANG REASON BA’T PAPALITAN KO-IKOKOREK AT AAYUSING:

Natandaan ko lasyir, humingi ang lola nyo nang tulong sa Consulate sa NYC tungkol sa produktong to.

1. /2007/02/19/she-made-my-product-worth-millions/
2. /2007/04/03/reynas-ebay-store-now-open-for-business/

Ngayon: Mega ask ako nang help sa NYC Consulate. Wa sagot mga anak! Eh dahil sipsip ako sa DTI dahil me mga kaklase aku dun na yung iba superstar na at karamihan din nang mga kaklase ko eh mga Consul pala (*plak! sinapok sarili*) medyo napahiya po ako.

Pero, I remember, dahil me mga kakilala nga akong Consulitas, umiyak ang lola nyo at tinulungan ako nang Osaka Office pati na DTI kung sino tatawagan sa NYC. Pinadala ko naman. Pucha! Nabangkrap na lang yong Ebay Store ko, nagsara na lang yong Sari-Sari store ko wala akong narinig sa NYC. Pinadala ko yong pics kasi yun ang ask nila at ako daw eh ima-match sa mga exporter. CUTE NANG NANAY NILA, nag happy new year na’t valentines at thankggiving walang dumating!!! Fall na naman!

Alam nyo kung sino tumulong saken???? Ang tumulong po saken eh yong DTI-Bicol Region at Consulate nang Osaka, Japan. Biniro pa nga ako nang Osaka Office – na ayan ha? Sabihin mo yan sa mga nagbabasa mo.

Ayun.

So, di naman lahat nang Consulate eh mga CUTE NANG NANAY nila, at dahil takot akong sapukin ako nang mga kaklase kong Consulitas at Consulitos, (hehehe SORI HOOOOO), edit ko na lang po nang konti tong post at comment – lalagyan ko nang waling-waling at gumamela para medyo naman hindi sobra ang mga tirada.

Ang aten lang naman po eh ipaalam na baka naman naglalaro na sila nang jueteng o kung ano pa man sa Consulate sa Toronto. Wag lang po magalit yong mga tiga-consultate ano? At wag mapipikon. Kami po eh nagmamatyag senyo.

Dahil uso po ang apologies ngayon, ako po eh nag-aapologize sa silakbo nang aming mga budhi.

Reply

Beng October 9, 2007 at 10:52 pm

wala ring kaibahan ang phil. embassy dito. kong may kailangan ang tao sa kanila, para silang mga bingi. kong hindi naman bingi, para silang uod kong kumilos. pero saan ka’t kong sila ang may kailangan sa yo.

Reply

c 5 October 9, 2007 at 11:04 pm

naku, hindi ko keri magmura eh, magmahal lang :)
hanggang GRABE NAMAN YAN lang ako…

dapat talaga marunong ng SELF DEFENSE ang mga kababaihan…yung AIKIDO ang best kahit sa mga lampayatot o mga tabachingching as long as alam mo gamitin ang force ng kalaban and it’s purely self defense talaga…saan kaya ako makapagaral ng aikido ng libre? :)

Reply

bluepanjeet™ | OTWOMD™ October 9, 2007 at 11:34 pm

Tita Cee sa YWCA ka pumunta, libre dun.

Dapat I-HACK na lang ang consulate sa Toronto o baka naman kaya di sila nareply eh dahil nilipat nila consulate nila sa Nova Scotia hahahaha.

I don’t like this kind of news. It always upsets me every time Filipinos die meaninglessly. Sayang ang buhay…

Reply

auee October 10, 2007 at 12:49 pm

Egad… kawawa naman. Sana naman may makuha pa din yung family nya sa POEA. Nakakalungkot talaga kung iisipin mong wala faith ang mga Pinoy sa embahada natin kahit saang parte ng mundo.

God Bless her soul.

Reply

reynz October 11, 2007 at 12:03 pm

auee,

Did you hear about the American killed in the mountains of Baguio? Mabilis ang aksyon dun Day! Pero pag OFW????! Hmpppttt!!!

Reply

Ely October 13, 2007 at 6:23 pm

“Can you imagine? Pati pala mga tiga-Ifugao eh OFW na.”

>OO naman po mahal na reyna, matagal na din madaming mga OFW mula sa mga lugar na yun.

Reply

Leave a Comment

Current month ye@r day *

{ 2 trackbacks }

Previous post:

Next post: