Do you know na me aswang sa Bohol?

by reyna21 on November 9, 2007

You wanna know how much was my Bohol trip cost?

  1. Taxi to domestic = Php240
  2. Jolibee breakfast = Php237
  3. Tricycle to cheap hotel =Php100
  4. Car + driver = Php2,000 + Php50 tip
  5. Floating Resto = Php280/head
  6. Chocolate Hills Entrance =Php15/head
  7. Pictures = Php1,000
  8. Plane fare (Manila/Tagbilaran/Cebu/Manila) = Php12,000 (2 persons)
  9. Go fares (Tagbilaran to Cebu) = Php375/head
  10. Dinner at Metrocenter’s fine resto=Php1,000
  11. Estimated total per person = Php5,195
  12. In US Dollars (Divide by Php45) = USD115

But you won’t believe what I got for $115! Ngayon pa lang, nilalait lait na ako nang mga kaibigan ko dahil sa katarantaduhan ko. Sometimes, you gotta put spice into your life, kahit na love life para masaya di ba? Ganun ang ginawa ko sa trip na to. Am sure, habang buhay akong isusumpa nang mga kebigan ko dahil di ko sinabi sa kanila na me aswang sa Bohol.

Read on!

Only about 4 hours of sleep, my phone rang – maligo na raw ako! Ugh! That was my friend. We’re leaving in a few minutes, Destination: Bohol. Me santacruzan daw dun.

1-123x.JPG

This was an early morning flight and I’m really excited dahil I have never been to Bohol and I wanted to visit Panglao Island at Chocolate Hills.

Alam nyo, me balikwa akong ugaling kung sino sino ang ina-ay lab you ko. Isa na rito ang katabi namen sa plane. Sya’y tiga-Iloilo na lumipat nang Bohol. Married sya sa isang Norwegian at me malaking bahay sa Bohol. Eto namang pwend kong tiga-Chocolat, asan daw ang Norway, sa Poland ba? Balak ko nang dagukan to eh!

Anyway, nung sinabi nyang meron syang kotse at rooms na available samen for free, bigla akong napasigaw nang. . .

BEST FRIENDDD!!!

Naloka samen ang gurl. Sya si Annalyn. Eto sya:

1-126x.JPG

Sya yong nakapula. She was really nice! Kaso nga lang, we already have a place to stay. Nahiya naman nameng kaladkarin ang SUV nya, baka dagukan sya nang Norwegian husbandry nya, kaya may we thank her na lang ever. She even gave us her phone number just in case. Kita nyo? Ambait nang mga tao ditech ever!!!

Even the steward was very nice! Nakipag-chikahan. Napansin sigurong tunay ever na royalty ako. Which is trulili naman di ba? Buti na lang naka-check in ang korona kong gawa sa latang darigold! Eto sya:

1-128x.JPG

So, nung umalis na si Analyn, yong dalwa kong ka-date, megahanap na nang limousine. Nagtataka sila ba’t ina-ayawan ko ang mga taxi. Hehehe! Di nila alam, me katarantaduhan akong gagawin sa kanila! Hahahaha!

Eto ang sasakyan namen:

1-138x.JPG

Nagwala ang dalwa kong kasama! Hehehe!

Alam mo ba ang pupuntahan naten? Ano tong karwaheng to?

Wala naman silang nagawa. Nag-nga-nga-ngaw-ngaw yong dalwa sa tricyle. Natatakot daw sila kung ano pa bang mga kabulukan ang gagawin ko! Hahaha!

From the airport, dinala ko sila dito sa parang pokpok house! Hahaha! Actually, di naman sya pokpok house ata eh! Hahaha! Cheap kasi, kaya eto kinuha ko! Laban kayo?! HAHAHA!

1-143x.JPG

Inabot ako nang bagyong nanga-ngalit at hanging balaklaot sa pagmumurang inabot ko! Pag me nakakita daw sa kanila dito at napagkamalan silang pokpok, talaga naman pong itutulak nila ako sa bundok nang sokolate! hahaha!

Ok naman hotel namen actually. Tingnan nyo ang bed:

1-019x.JPG

Where we had our breakfast in bed! hehehe!

1-018x.JPG

Dahil nga aabot pala nang 50 kilometers yong Chocolate Hills, bumigay ang lola. Kumuha ako nito:

1-164x.JPG

Ayun, natigil yong dalwang kasama ko. Pero ayaw magpakuha nang pics! Baka daw mapagkamalan silang pokpok! At dahil maaga kaming nakarating nang Bohol, kelangan ang drama is to tour the island para madami kang mapuntahan.

So we did, starting off with the Plaza:

1-147x.JPG

At kung di pa ako napunta nang Tagbilaran City, di ko pa malaman na eto palang Presidenteng to eh tiga-rito!

1-148x.JPG

I felt so dang sorry to hear na wala pala syang Museum! Samantalang, all if not most US Presidents eh me kanya kanyang museum, si Carlos P. Garcia – wala! Sabagay, ano kaya ang laman nang museum ni Estrada? Hmpt!

We went to the Sikatuna-Legazpi Blood Compact chuva at ginulo ko ang mga turista dun:

1-153x.JPG

From there, we went to Baclayon Church. Ang chuva nang church na to is that, 400 years old chuvalais na to and everything his preserved.

1-159x.JPG

Me misa sa loob when we arrived kaya halos walang tao sa labas.

1-158x.JPG

Kaya naman, when the cat is away, the priest yelled at me. Why? Eto:

1-156x.JPG

From here, we went to Panglao Beach Resort:

1-015x.JPG

As you can see, makulimlim ang panahon, low tide pa sya at halos walang tao. Siguro nagsipagtago nung nalamang I was in town. Pabug-bugso ang ulan when we arrived at pati na camera ko, nagloloko’t di ko na-i-charge the other night.

And here’s our obligatory reyna picshot sa Panglao Beach Resort!

1-010x.JPG

It’s also white beach just like Boracay. The difference? Mas finer ang sand nang Boracay. Sa Boracay, kahit na low tide, you can still swim – hindi masyadong malayo. Dito? Nakikita nyo ba kung ilang milya yan??? So, we thought we’d continue the tour na lang at maligo later.

Biglang nagloko ang camera ko! Kainis! But we went to Loboc Riverview sa Hanging Bridge nila. Pag ako di sinagot ni Ambo, dito ako mag-bibigti! (Pic later).

From here, we decided to take pictures of tarsiers (Pic later) at mag lunch sa Riverview.

1-009x.JPG

Alam nyo, this whole Loboc River Project, pati na yung hanging bridge nila and the eco-tourism was a joint project by the local government tsaka by the Australian government.

Napakasimple nang concept. Me mga boats na nag-se-serve nang lunch habang mag-travel ang boat sa kahabaan nang Loboc River. Tipo bang Seine River sa Paris. Dito, mga kakahuyan lang ang titingnan mo at meron po silang tigalinis nang river. Along the way, paparada ang boat sa certain stops na kung saan haharanahin ka nang mga bata or matatanda. Kumikita lang sila sa donation. I gave them a few dollars. Impress ang lola nyo sa project na to. The whole community wins kasi nabibigyan nang trabaho ang mga nasa community atsaka tulungan sila dito! Kainggitaciousness talaga!!!

Another impressive project na dinaanan namen is the man-made forest. Dito pala sa Bohol, meron tree planting project ang mga students. Meron din kame sa Barrio Siete. Difference? Seryoso sila dito. Result? Mada-daanan nyo tong man-made forest nila on way to Chocolate Hills at talagang napakaganda. Guilty ever ang lola nyo! hehehe! Nahihiya ako sa mga Boholanons! Hahaha! Ang ganda nang program nila talaga!

1-166x.JPG

After so many rains, kidlat at kulog (me nagagalit siguro at andito ako! hehehe) finally, dumating den kami sa mga nag-uusbungang mga suso!

1-165x.JPG

And for our obligatory reyna picshot:

1-163x.JPG

Problema to, wala silang escalator! Hundred hundred something pala tong aakyatin mo bago mo makita ang mga nag-uusbungang mga suso!

1-160x.JPG

Kaya naman, happy ever ang lola nyo nung ma-akyat ko ang stairways to heaven:

1x.JPG

Kasama ko mga close friends ko in college. Yong isa, sya yong Manager nang Ortigas Branch nang PNB at yung isa eh executive nang Chocolat. Naka-smile na sila, samantalang kani-kanina lang, pinagmumura ako. Eto kami:

2x.JPG

Finally, the one place I always wanted to go, eh napuntahan ko. Kaso mo, dami palang story ever dito. We were reading the history chuvalais nang mga susong to, epekto pala to nang rainwater at saltwater kaya nag-sipag-usbungan sila. Ewan, english eh, kaya tinamad akong bahahin.

In short, acidic ever ang lupa dito kaya walang mga kahoy. Chocolate ang tawag dahil pag-summer, nagiging brown ang mga damuhan.

But, merong isang kwento. Me mga aswang pala dito. Of course I was totally suprised. I mean, pwede pa dun sa man-made forest, but here? Mahaba ang story, but there’s so many people who have seen these mumu at would you believe na makita namen? I was lucky to have some pictures.

You decide.

3x.JPG

At eto ang aswang:

8x.JPG

Later guys! Fly la lush na naman ang lola nyo to Cebu! Babush!!!